Bumuhos ang tulong at mga donasyon para sa mga pamilya at residenteng apektado ng lindol sa probinsya ng Cebu.Sa kabila nito, may ilang bayan pa rin ang hindi pa naaabot ng tulong dahil sa iba’t ibang hamon na dulot ng lindol.Samantala, hindi bababa sa 1,000 empleyado ng micro-small and medium enterprises o MSMEs ang tatanggap ng emergency assistance habang hindi pa nakakabalik sa trabaho dahil sa epekto ng lindol sa kanilang hanapbuhay.