Nangamba ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na posibleng mabawasan ang biyahe ng mga bus patungong probinsiya ngayong long holiday.
Ayon sa PITX, may ilang bus operators na nagsabing hindi na kakayaning bumiyahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.






















