Nagpang-abot ang 2 barko ng China matapos na subukan ng mga itong itaboy ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc kamakailan. Hinabol ng Chinese Coast Guard ang BRP Suluan ng PCG, ngunit nang haharangin na nito ang sasakyan ng Pilipinas ay tumama naman ito sa isang warship ng Chinese Navy.