Inihayag kagabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na mayroon umanong mga armadong kalalakihan na tinangkang pumasok sa ikalawang palapag ng Senate building kahapon.
Gayunman, napigilan umano ang mga ito ng mga tauhan ng Office of the Sgt. at Arms at pinaputukan ng warning shots.






















