Iminumungkahi ni Navotas City Rep. Toby Tiangco na hingin na ng Kamara ang medical certificate ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co para malaman kung life-threatening ba ang medical condition nito.
Ang presidential son na si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ay hinihikayat din si Congressman Co na bumalik na ito ng Pilipinas at harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.