Mas piniling gawing makabuluhan ng mga kabataan mula sa Members Church of God International o MCGI Cebu province ang kanilang ‘weekend’ sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa at kalikasan.
Ipinamalas ng mga kabataan ang diwa ng bayanihan at malasakit sa kapaligiran sa pangunguna nila sa isang coastal clean-up sa bahagi ng South Road properties sa Cebu City, kasabay ng pamamahagi ng libreng pagkain sa publiko.