Kasabay ng pagdiriwang ng Grand Fiesta ng Dios ng Members Church of God International (MCGI), pormal na pinasinayaan ngayong araw ang bagong MCGI Charity Center sa General Luis, Quezon City.
Layunin nito na maghatid ng libreng serbisyong medical sa mga nangangailangang kababayan. Inianunsyo na rin ang regular na schedule of operation ng center para sa mga nagnanais magpakonsulta.












