Sa nalalapit na holiday season, muling nananawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga motorista at mga turistang bibisita sa lungsod na sumunod sa mga umiiral na batas trapiko at panatilihin ang disiplina sa kalsada upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko.






















