Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na marami-rami na ang mga ebidensyang kanilang nakalap hinggil sa mga katiwaliang nangyayari sa bansa.
Ayon sa alkalde, handa na silang i-file ang mga ito sa kinauukulang ahensya sa tulong ng iba pang kasapi ng Mayors for Good Governance o M4GG na saksi at may hawak ding ebidensya sa isyu ng mga iregularidad.