Kumbinsido si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang foul play sa pagkamatay ni dating Public Works and Highways Usec. Catalina Cabral.
Ito aniya ay batay sa kanyang perspektibo bilang dating hepe ng Pambansang Pulisya at bilang imbestigador.
Isang bagay aniya ang kanyang tiyak na nalalaman, ang Kennon Road ay isa sa mga malalaking proyekto na hawak ni Cabral.






















