Kumbinsido si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang foul play sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral.
Ayon kay Magalong, nakabatay ang kanyang pananaw sa sariling karanasan bilang dating hepe ng pambansang pulisya at bilang imbestigador.
Isa rin aniya sa mga tiyak niyang nalalaman na ang Kennon Road ay kabilang sa mga malalaking proyektong hawak noon ni Cabral.






















