Pormal nang naghain ng reklamo ang ilang residente sa isang barangay sa Quezon City laban sa umano’y iligal na pag-iimbak ng krudo sa isang residential lot. Inirereklamo ang posibleng panganib na dulot nito sa komunidad.
Hinihintay naman ng Quezon City Police District ang may-ari na magsumite ng kaukulang permit para sa pag-iimbak ng langis.






















