Natunton na ng Philippine National Police kahapon sa lungsod ng San Juan ang may-ari ng sports utility vehicle o SUV na isang negosyante na gumagamit ng wangwang.
Ito ay kaugnay ng social media post ni Sen. JV Ejercito na may nakasabay syang SUV na tila nambubully sa kalsada dahil sa paggamit ng malakas na wangwang.