Suspendido ang pasok sa buong lalawigan ng Masbate ngayong araw kasunod ng deklarasyon ng state of calamity dahil sa naging epekto ng Bagyong Opong.
Batay sa anunsyo ni Masbate Governor Richard Kho, tatagal ang class suspension hanggang sa Oktubre 4, araw ng Sabado.