Inihayag ni House Justice Committee member at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na mas mabibigat na ebidensya ang ihaharap laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na pagdinig ng reklamong impeachment sa April 22, 2026.
Tututok ang hearing sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman at umano’y hindi tamang deklarasyon ng yaman ng pangalawang pangulo.





















