Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyaring karahasan noong Linggo sa protesta sa Ayala Bridge at Mendiola sa Maynila na malapit na sa Malacañang.
Tiniyak ng Palasyo na mananagot ang mga nanggulo sa mapayapang pagdaraos ng malawakang rally.