Wala umanong search warrant ang mga pulis upang kumpiskahin ang mga mamahaling sasakyan na pagmamay-ari ni dating Rep. Zaldy Co at ng kanyang kumpanyang Sunwest Incorporated.
Kaya ayon sa kampo ng dating mambabatas, magsasampa sila ng reklamo laban sa mga pulis na nagsagawa ng pagkumpiska.
Iginiit naman ng pulisya at ng Bureau of Customs na may dalang search warrant at binigyan pa ng kopya nito ang dumating na mga abogado ni Zaldy Co.






















