Tiniyak ng Malacañang na nananatiling kontrolado ang sitwasyon ng suplay ng petrolyo sa bansa sa kabila ng patuloy na gulo sa Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi pa kinakailangang magdeklara ng state of national emergency dahil kaya pa itong pamahalaan ng gobyerno.






















