Nanatili muna sa Valencia City Gym ang higit sa 300 pamilyang lumikas matapos ang matinding flashflood na tumama sa lungsod nitong mga nakaraang araw.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Valencia, pansamantalang titira ang mga apektadong pamilya sa nasabing gusali habang patuloy ang paghahanap ng lokal na pamahalaan ng mas angkop na relocation site.
Samantala, magpapatuloy ngayong araw ang search and rescue operations ng lungsod para sa ilang indibidwal na napaulat na nawawala matapos ang rumagasang baha.