Tuloy-tuloy ang pagdating sa bansa ng mga overseas Filipino workers o OFWs mula sa mga bansang apektado ng tumitinding tensyon sa Middle East.
Nitong nagdaang weekend, daan-daang repatriates na mga OFW at ilan sa kanilang dependents mula sa Qatar, Saudi Arabia, Bahrain, at Kuwait ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport.






















