Lalo pang tumindi ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia matapos ianunsyo ng Kyiv na nasira nito ang isang mahalagang railway bridge sa Russian-occupied Crimea.
Kasabay nito, nabalot din ng dilim ang pinakamalaking lungsod sa peninsula dahil sa malawakang power outage matapos tamaan ng Ukrainian drone attack ang isang mahalagang power substation sa Sevastopol.






















