Pormal nang nai-turn over ng Land Transportation Office sa Bureau of Customs kahapon ang nakumpiskang Lamborghini sa isang Korean national sa bahagi ng BGC, Taguig City noong nakaraang linggo.
Ayon sa LTO, nadiskubre na kahit matagal na itong may plaka ay hindi ito ikinakabit ng may-ari at wala ring lisensiya ang driver nito.






















