Dumating ngayong araw sa tanggapan ng Independent Commission on Infrastructure o ICI si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez. Kasabay nito ay isinuko naman ng dating opisyal ang ilan sa kanyang luxury cars sa ICI. Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, mananatili ang mga ito sa kustodiya ng ICI.