Mayroon umanong hokus-pokus o pagmamanipulang nakita ang Land Transportation Office sa dokumento ng 13 luxury vehicle ng mga Discaya.
Kaya naman magsasagawa ng imbestigasyon ang LTO at maging ang Bureau of Customs laban sa kanilang mga tauhan na sangkot sa anomalya.
Samantala, naiturn over na sa BOC ang luxury vehicle na pagmamay-ari ng isang Korean national na nahuli ng LTO noong nakaraang linggo dahil sa hindi pagkakabit ng plaka at pagmamaneho nang walang lisensya.






















