Nagsumite ngayong araw ang Land Transportation Office ng rekomendasyon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para imbestigahan ang umano’y iregularidad sa pagtatayo ng LTO central command center.
Ayon sa ahensya, lumalabas na isa sa mga kontraktor ng proyekto ay may kaugnayan kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.






















