Nagsimula na sa kaniyang posisyon bilang bagong hepe ng Pambansang Pulisya si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr.
Kaninang umaga, isinagawa ang Assumption of Command Ceremony sa Kampo Crame sa harap ni Department of Interior and Local Government o DILG Sec. Jonvic Remulla.
Itinanggi naman ni Sec. Remulla na may hindi sila pagkakaunawaan ng na-relieve sa pwestong si Gen. Nicolas Torre III.