Suportado nina Senate President Vicente Sotto III at Senate Committee on Justice and Human Rights Chairperson Sen. Kiko Pangilinan ang planong live streaming ng mga pagdinig sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Magandang panukala anila ito para sa publiko, gayunman ayon kay SP Sotto, tama rin ang punto ng Makati Business Club na hindi dapat lahat ng parte ng pagdinig ay naka-livestream.






















