Isang bagong taktika ang ginagamit ngayon ng China sa paninindak sa mga Pilipinong mangingisda at maging sa mga barko ng bansa sa West Philippine Sea partikular na sa Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon sa mga eksperto sa naturang isyu, ang deklarasyon ng nature reserve ng China sa Panatag Shoal ay paraan upang makontrol nila ang lugar at makapagtayo roon ng base militar.