Sinuspinde ng Land Transportation Office ng 90 araw ang lisensya ng sports utility vehicle o SUV driver na nakunan sa video na nambugbog sa isang bus driver sa Silang, Cavite.
Batay sa report ng Silang Municipal Police Station, liliko sana sa kanan ang driver ng SUV nang makabanggaan nito ang public utility bus.






















