Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na dapat magpaliwanag ang liderato ng House of Representatives at Senado sa 19th Congress kaugnay ng bilyong pisong halaga ng budget insertions sa pambansang pondo.
Kailangan aniyang may managot sa kontrobersyal na mga isiningit na budget allocations na nagpondo umano sa mga maanomalyang flood control projects.