Balak pang palawigin ng Department of Migrant Workers ang mga libreng serbisyong medikal hindi lamang sa North luzon kundi pati na rin sa iba pang panig ng bansa.
minamadali na ring maiangat sa secondary level ang ofw hospital upang makapagbigay pa ng mas kumpletong serbisyo sa iba't iba pang uri ng karamdaman.
maaaring magpagamot nang libre sa naturang hospital ang sinumang ofw, aktibo man o retirado.