Nanindigan si Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste na hindi ito nagsisinungaling sa mga isiniwalat na listahan ng proponents ng iba't ibang infrastructure projects sa bansa.
Samantala, naniniwala naman ang isa ring mambabatas na maaaring magamit ang mga impormasyong ito upang magsagawa pa ng mas malalim na imbestigasyon sa mga nangyayaring korapsyon.






















