Naglunsad ng large-scale offensive operations ang pamahalaan ng Afghanistan laban sa mga militar ng Pakistan sa kahabaan ng Durand Line bilang tugon umano sa air strikes ng Pakistan noong nakaraang linggo.
Patuloy ang paglala ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, na iniuugnay ng Pakistan sa umano’y presensya ng Pakistan Taliban sa loob ng Afghanistan na itinatanggi ng Kabul.






















