Binigyang-diin ni Kuya Daniel Razon ang 15 taong serbisyo ng UNTV News and Rescue, mula sa pagtugon sa aksidente, pagbibigay ng first aid, hanggang sa rescue operations sa bagyo, baha, at lindol.
Dagdag pa ng founder at chief ng UNTV News and Rescue, mahalaga ang maagang paghahanda, libreng training sa first aid, at ang pagmamalasakit sa kapwa bilang pangunahing adbokasiya ng team.

























