Pinabulaanan ni National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kumakalat na balita na may balak mag-kudeta sa hanay ng mga militar o Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa Kalihim, hindi makikialam ang kanilang hanay sa mga usaping pulitika lalo na at hindi ito ang papel na ginagampanan ng mga sundalo.