Naniniwala si House Assistant Minority Leader at Akbayan Partylist Representative Chel Diokno na dapat isapubliko ng liderato ng Kamara ang SALN ng nagbitiw na kongresistang si Zaldy Co at ng iba pang mambabatas na idinadawit sa umano’y anomalya sa mga flood control project.






















