Iginiit ni North Korean leader Kim Jong Un na hindi na mababago ang pagiging nuclear state ng kanilang bansa at patuloy pa itong palalakasin bilang bahagi ng kanilang depensa.
Tinukoy din niya ang South Korea bilang pinakamapanganib na kaaway at nagbabala ng matinding kaparusahan sa anumang hakbang na lalabag sa soberanya ng North Korea.






















