Tinutulan ng Iran ang pahayag ng United States na malapit nang mabuo ang kasunduan sa pagitan ng Washington at Tehran.
Ayon sa Iranian Foreign Ministry, bagama’t may pagkakaunawaan na ang magkabilang panig sa malaking bahagi ng peace deal, hindi pa umano agad mangyayari ang pinal na kasunduan ng dalawang bansa.






















