Umakyat na sa 35 ang naitalang nasawi mula sa nasunog na MV June Aster, habang mayroon pang limampu't tatlo ang nawawala at patuloy pa ring hinahanap ng mga rescue team.
Ayon sa Philippine Coast Guard, sa ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan ang kapitan ng barko na makapagbibigay-linaw sana sa mga pangyayari.
Batay sa impormasyong nakalap ng Coast Guard, sinasabing buhay pa ang kapitan ng barko, subalit wala ito sa listahan ng mga survivor.

















.png)




