Itinanggi ng kampo ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na nagpadala ito ng emisaryo upang makipag-usap sa pamahalaan.
Ayon sa abugado nitong si Atty. Ruy Rondain, nakausap niya ang kanyang kliyente at sinabing wala siyang ginagawang pakikipag-ugnayan sa gobyerno.






















