Umani ng diskusyon sa social media ang pahayag ni Ramil Madriaga sa House Justice Committee hearing kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kung saan sinabi niyang nagregalo siya ng painting sa Bise Presidente.
Gayunman, isang Davao-based artist ang umalma at iginiit na siya ang tunay na nagbigay ng naturang painting noong 2021.
Ayon naman kay House Committee on Justice–Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, kung may ebidensya ang kampo ng Pangalawang Pangulo, sa House panel dapat ito iprini-presenta.






















