Nakikiusap ang mga abogado ni dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez ng isang impartial at independent body o officer na anila’y magsagawa ng preliminary investigation sa kongresista sa halip na ang Ombudsman.
Anila, lumalabas sa mga public statement nina Ombudsman Crispin Remulla at Assistant Ombudsman Mico Clavano na tila nakapagpasya na ang ahensya na litisin si Romualdez sa kasong plunder kahit wala pa namang ginagawa o hindi pa natatapos ang anumang inisyal na imbestigasyon.






















