Ipinahayag ng defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC na natuklasan ng isang accredited medical professional na mayroong cognitive impairment ang dating pangulo.
Ayon kay Atty. Nicholas Kaufman, lumabas sa parehong pagsusuri ng ICC-appointed medical professional at ng kanilang sariling neuropsychologist na mayroon nang sakit sa pag-iisip ang dating pangulo, kaya mahirap na para rito na makipagtulungan sa kaso na nakasampa laban sa kaniya.