Dumating sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ang isang truck na dala ang kahon-kahong dokumento mula sa Philippine National Police.
Ang nasabing mga dokumento ay may kaugnayan sa hinihinalang ghost flood control projects sa iba’t ibang panig ng bansa.






















