Nilinaw ng Department of National Defense na hindi para sa digmaan ang planong AI hub sa New Clark City kundi para sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., layunin ng proyekto na suportahan ang innovation at economic development, kasabay ng pagbasura sa mga haka-hakang may kaugnayan ito sa giyera.






















