Pag-uusapan ng pamahalaan ng Israel ngayong araw, April 16, ang posibleng ceasefire sa Lebanon kasunod ng nangyaring direktang pag-uusap ng mga kinatawan ng Israel at Lebanon sa Washington kahapon.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang palitan ng pag-atake ng Israeli Defense Force at grupong Hezbollah sa Lebanon na ikinasawi na ng hindi bababa sa 2,000 indibidwal kabilang ang maraming bata.






















