Muling nagbabala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu laban sa grupong Hezbollah sa gitna ng patuloy umanong paglabag nito sa kasunduan ng tigil-putukan.
Ayon kay Netanyahu, patuloy na nagpaparami ng armas ang Hezbollah at iginiit niyang handa ang Israel na gumanti sa mga opensiba nito kung mabigo ang pamahalaan ng Lebanon na ito’y mapigilan.






















