Sa kabila ng babala ng Iran na muling gaganti sa oras na magkaroon ng panibagong pag-atake sa Lebanon, nagsagawa pa rin ang Israel ng panibagong airstrikes sa timog na lungsod ng Tyre at nagpalabas ng evacuation order para sa mga residente.
Sa gitna ng tumitinding tensyon, nananatiling kumpiyansa si US President Donald Trump na malapit nang maabot ang isang kasunduan na magwawakas sa digmaan at magpapanumbalik ng kapayapaan sa rehiyon.






















