Nagdeklara ang Israel ng combat zone sa southern Lebanon at inatasan ang mga residente na lumikas habang inilulunsad nito ang panibagong opensiba laban sa grupong Hezbollah.
Dulot ng matinding pag-atake, malawakang pinsala ang naitala sa mga apektadong lugar, kabilang ang ilang makasaysayang lugar na itinuturing na mahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan ng Lebanon.






















