Kinumpirma ng Iranian state media na may nabuo nang draft framework para sa isang posibleng kasunduan sa pagitan ng Tehran at Washington.
Sa ilalim ng nasabing balangkas, papayag ang Iran na ibalik sa normal ang commercial shipping sa Strait of Hormuz sa loob ng isang buwan kapalit ng ilang kundisyon.






















